Ni: Karl Isaac Santos
Hinipan ng malamig na hangin ang paligid.
Kinulabutan ang lawas ng parang.
Agad na nangitim ang langit,
Nabubulok na marahil ang mundo
Kaya nagbakasakali ang kalangitan na hugasa nito.
Kalmot ang bawat patak ng ulan sa lupa,
Subalit pinakamasakit ang mga ampiyas:
Hindi nababalik ang mahal ko.